kanto blues

March 6, 2009

pressure = petrology, paleontology, engineering management, geophysics, berlitz!

Filed under: Uncategorized — testes @ 12:52 pm

Pamagat pa lang, nakakapressure na! Hahaha.

1. Petrology. Paguwi ko kaninang mga 2AM, nakasalang agad ako sa tapat ng PC, gagawa pa kasi ako ng table para sa metamorphic rocks. Kelangan ko mamaya sa klase ko. E eto pa naman yung pinakakomplikado at pinakamadaming cells at rows. Ayan, kakatapos ko lang ng 3AM. O diba, isang oras? Bongga ng table na yan. Di pa ko nagaaral kasi may exam pa din ako mamaya sa sedimentary rocks naman. Medyo mahaba haba pa naman tong lecture notes na ito. Buti nakapagadvance reading na ako. May isa pang chapter akong babasahin, around 50 pages. Susko. Puro bato, nakakabato! hahaha…

2. Engineering Management. Sa lunes may exam ako jan, pero bukod pa dito may seminar mamayang 10 am so dapat gising na ko ng mga bandang 8am. Baka nga di na ako matulog e. (as if naman totoong di ako matutulog e madantay lang ako sa kutson, borlogs na ako haha). Pwede namang di umattend kaya lang ang kapalit niyan magiinterview ka ng manager. Ay naku, naisip ko, hassle pa yun. So PIPILITIN ko na lang gumising or KELANGAN kong di na lang matulog.

3. Paleontology. After ng klase namin sa petrology, e may fieldwork kami sa Capones Island. So after ng klase ko mamayang 9pm sa Petrology, susunduin kami ng mga classmate ko sa Paleo ng prof namin sa school tapos overnight sa bahay nila. O di ba sosyal, naging chauffeur ang prof namin haha! Anyway, kaya kami magoovernight mamaya sa kanila, siguro natatakot siya na baka malate siya kinabukasan kung magset siya ng time. E ang prof namin, nuknukan ng AGA kung dumating. Yes! Maaga for the next day. haha. Dinaig nga ako e. Hahaha…

4. Sa Lunes, may exam kami sa engineering management tapos discussion sa geophysics. So kamusta naman paguwi namin galing Capones, after magunwind balik stress mode na naman. Wish ko lang maaga kami makauwi ng makapagaral naman ako kahit papano. Nga pala, muntik kong makalimutan kelangan ko uling ipaalala kay Bebs (kulitin would be the best term siguro) yung copy ng lecture ni Sir Santiago. Wala pa namang exam pero kelangan ko  ng makapag-advance reading na rin. Naks kala mo naman totoo  e no? wahehehe…

5. Berlitz. Kala niyo tapos na istorya ng Berlitz? Kala ko din e. Hindi pa pala. The recalibration will be scheduled on Tuesday at 2am. Poor me, I dont have the chance to redeem myself. Akala ko nawala talaga yung recorded call para makaulit ako, naiba lang pala pangalan ko nung sinave yung call kaya di nila nahanap. Malas lang! Kaya yung gagamiting call for recalibration, e yun pa rin. Hay naku, isang malaking GOODLUCK talaga sa akin.

Buti na lang wala pang tinatrabaho sa TNB.

**with matching emote-emote notes: eto wala lang to. siguro dahil na rin sa katandaan. ewan ko ba, ayoko magdrop ng name at di ko sure kung ikekwento ko talaga dito kasi baka yung babasa….a basta…

Basta! eto na lang masasabi ko: SOBRA NA! TAMA NA!
Eto ulit ang masasabi ko: May iba’t ibang uri ng interaction sa environment
1. Mutualism - parehong nagbebenefit ang 2 organism or species
2. Commensalism - eto naman, yung isa nagbebenefit while yung isa, either nagbebenefit or naaabuso
3. Parasitism - eto naman, todo todong benefit ang nakukuha ng isang organism sa isa pang organism. Nakikinabang yung isa, samantalang yung isa pinapakinabangan. Kumbaga sa Mapua, ang mga estudyante ang pinapakinabangan, si Yuchengco ang nakikinabang. Haha… o di ba?

Aminin ko, minsan parasite ako, minsan tamang “commensalistic” lang, minsan naman din mutwal lang. Pero as much as possible iniiwasan kong maging parasite ako kasi ayoko din ng pinaparasite ako. Ok, tama na direk. Cut na!

So ikaw, ano ka diyan sa tatlo?

Aral mode na.

February 27, 2009

berlitz

Filed under: Uncategorized — testes @ 12:47 pm

Right now, I am still undergoing my product specific training at Convergys Commonwealth. Part of the training are series of assessments including Berlitz. It’s actually an exam that will gauge your conversational skills. With this one, you really have to be fluent, no grammatical errors, wide ang lingusitic range mo, so on and so forth. In short, be comfortable talking in English. Kanina, the results were announced and I am one of those (or ako lang ba talaga?) whose not lucky to receive a passing mark. =( Poor me. Kumbaga sa PBB, ako ay na-evict. Kumbaga sa Survivor, isa ako sa navote-out.

Let me share to you what happened. So, kahapon yung Berlitz namin. Kasama ako sa batch na huling maiinterview. Before kami isalang, our trainer let us listen to a sample of previous recorded Berlitz interviews. Plus, pep talks and words of encouragement na rin. Bago pa ko pumasok ng office, nagreready na ko ng mga sagot para di ako mamental block. Pero kahit ilang beses na kaming sinabihan na wag kabahan, parang dumoble pa yata ang nerbiyos sa katawan ko.

Around 11 pm, kami na ang isinalang. My interviewer was Claudia. Una pa lang sablay na. While dialing the number and extension, may kasamang nginig haha. May naghello sa kabilang linya. Eto na! wala ng atrasan, sabi ko. Gora na ito! Sabi ko, hello, I’m calling for the Berlets….as in berlets talaga ang pagpronounce ko hahahaha…amfota niyan. sabi ko baka senyales na ito ng di ako papasa. e since di pa naman niya binbasa yung terms and agreement, it means di pa ko ginegradan ng time na yun. so continue lang…

After i said “I agree”, umarangkada na si Claudia. “So Marie (ang walanghiya Marie pa ang tawag sa ken!), what do you do for fun?” What do I do for fun daw? Binirahan ko naman ng mountain climbing, sablay sa salitang scenic hotspots (wahahahaha, natawa talaga ako sa sarili ko neto!), at sumegue na pag walang pera at times, bahay lang and watch movie. Kumambyo si Claudia and nagtanong “So what was the last movie that you watch?”. And my answer was “Juno”. E napanood pala ng bruha. So kwento ako na nabuntis nga etong si Juno at an early age. Parang chismosang nagkwekwento lang.

After nun, napunta na sa tanong na kung may nangyayari din daw bang ganung instances sa Pilipinas? Which I answered naman na, bihira lang. Mostly, sa poder ng nanay lumalaki ang anak. Then, napunta sa surrogacy.

Na napunta sa Lord of the RIngs. Na di ko alam kung panong napunta dun. Saka nagtanong kung ano daw nagustuhan ko sa movie na yun. Na napunta kay Aragorn. Na napunta sa pagkukumpara ng Lord of the Rings sa situation sa Pilipinas. Na sinagot ko naman ng walang katorya torya. Na napunta sa corrupt na mga politicians. Na napunta sa pandaraya ni GMA noong nakaraang eleksyon.

All in all, di maganda ang kinalabasan. Dahil sa sobrang kaba ko, I remembered I stuttered a lot. I really talked too fast. E may tendency akong mabulol at magkalat.Nawawala ang  thoughts pag mabilis magsalita. Tapos naaaning pa ko kasi feeling ko nakikinig yung 2 trainers sa likod ko. Kasi yung interview dun sa training room ginawa.

Hay ewan ko ba.

So going back kanina, when I saw my grade (it’s a B1-> fail po yan), medyo nanlumo ako. I was trying to fight back my tears kaya lang I can’t control na. Nung nag restroom ako, dun na umagos talaga. We’re supposed to have a drinking session kanina kaya lang ampanget naman kung lahat sila umiinom dahil pumasa sila while ako umiinom dahil bagsak. Kahit anong alo nila sa ken, na may calibration pa naman, na borderline daw ang grade ko, of course di maalis sa utak ko na I still fail. Sino ba namang matutuwa dun di ba?

Kanina, di ko mapigilan pa pagiyak ko. Pano ba naman, gusto ko mang magstop na, e lagi namang may nagpapaaalala pa. Leche haha. E ako pa naman yung taong pag pinaalala mo yung cause ng pagiyak, di talaga ako titigil sa kakaiyak. So next time, just leave me in one sulok hanggang magevaporate ang mga tears saka lang ako makakaget-over. Haha.

Ngayon, ok na ulit ako. Wala na lang sanang magbobrought up ng topic na yun. well ok lang na tanunging ako kung pasado o hindi. wag na lang dugtungan ng mga tanong na “Baket????” o kaya “Ok ka lang ba?” o di naman kaya “Anu ba nangyari kasi?”. Dahil panigurado yan, tulo na naman ang luha at sipon ko. Hahahaha.

So ang ending, tuloy pa rin ako sa training. And wait ang final eviction for the recalibration.

Till then! I still have to study. =)

January 22, 2009

foundation day

Filed under: Uncategorized — testes @ 8:27 am

Kanina foundation day namin. Andaming nangyari, sa sobrang dami, tinatamad na ko magkwento. Haha!

January 21, 2009

may trabaho ka

Filed under: Uncategorized — testes @ 9:06 am

Prior to Convergys, tanggap na ako sa Burger King. Heto ang mga requirements nila: SSS Birth Certificate Mayor’s Permit Health Certificate Physical Exam Drug Test X-ray Philhealth Card NBI Clearance Transcript of Records TIN Cedula 4 1×1 pictures Letter of Resignation O di ba?Malula ka sa dami! Ganyan kabangis ang kelangan nila bago ka magtraining. E service crew lang naman ang inapplayan ko. Ang masakit pa diyan (lalo na sa bulsa), di nila sagot ang physical exam, drug test, at x-ray mo. Kaya nga eto at nagapply sa iba. At siyang dating ng Convergys sa buhay ko. (Naks!) Ayun. Tanggap na ko. Sige na, pinapatawad ko na sila sa ginawa nilang pagpapahintay sa akin ng ilang oras. HAHAHAHA. So eto naman ang requirements sa kanila: NBI clearance copy of TOR or reg form and school ID COE SSS Philhealth ID TIN since, mukang matagal tagal pa yung COE and other info to get (like Philhealth and TIN) sa previous employer ko, I would have to ask CVG’s HR kung pwedeng follow up na lang. Ayun.

January 20, 2009

wait for a moment!

Filed under: Uncategorized — testes @ 4:04 am

Convergys. Pumunta ako sa office nila ng 9.30 AM. For a change, gusto ko maaga magaappl. Baka sakaling mabilis ang processing sa umaga. Hmmm, dun ako nagkamali. 10.30 am na tengga pa rin ako sa kinauupuan ko, panis na panis na ang laway ko, at tuyot na tuyot na ang lalamunan ko. Kung wala lang silang incentives at cash bonus na offer, aalis na talaga ako nun. May make-up class din kasi ako ng 1pm naman sa Bureau of Mines na nauwi din sa wala. (another story). So bandang alas onse, tinawag na rin ang pangalan ko (at last!) at 3 iba pang aplikante. Ang tawag sa unang stage nila ay initial screening. Dito, ige-gauge nila ang iyong communication skills. Siyempre di mawawala ang walang kamatayang “Tell me something about yourself”. May dalawang nagsabing consistent scholar, isang nanay, at isang hindi scholar (ako yun). Pagkatapos, ay pinabasa kami ng paragraph na naglalaman ng tongue-twister. Ang napunta sa akin ay yung mga may words na  puro “th”. Perfect! Lastly, ay binigyan kami ng tig-iisang pictures, at magiimbento kami ng istorya tungkol dun. Nautal si applicant 1. Pwede na si applicant 2 at 3. At siyempre papatalo ba naman si applicant 4? haha. Ako yun. After magdoodle ng interviewer sa mga papel namin ay binigyan kami ng stub entitling us for a free meal worth 50 pesos. WOW! 50 pesos! haha. Siguro eto na yung incentive na sinasabi nila. Lumabas na muna kami at hinintay namin ang result. Si applicant 2 (boy), tumabi sa akin. Ayun, trying to strike a conversation. Di pa nga tanggap, nakikipagrapport na. HAHA. Joke lang. Nice naman siya. Bibo nga e. Kasi in-english pa niya ako. Ang sabi ba naman…”So, this is not your first time to apply on a call center?”. Sagot ko, “HINDE”. Aba, di pa natinag, pumasada ulit ng isa pang English na question, ang hirit ba naman, “I see. Where are you studying again? By the way I’m ______ (sorry forgot his name.walang recall).” With matching shake hands pa. Pormal na pormal di ba. Sabi ko na lang “Thessa.” Sabay smile. So di pa natapos ang pag-eenglish niya. At di rin natapos ang kakatagalog ko sa kanya hanggang sa napilitan na rin siyang magtagalog. Maya maya, tinawag na kami at binigyan kami isa isa ng papel. Dun mo malalaman kung pasado ka o hindi. Di ko alam kung pasado yung 2 aplikante, pero si applicant 2 na kausap ko, pumasa. Nagpaalam na ko sa kanya pati sa interviewer ko na babalik na lang ako the next day for the exam dahil di ko kakayaning matapos yun. May klase pa kasi ako ng 1pm. Na hindi naman  natuloy. Petrolab, Bureau of Mines So pagkatapos kong kumain ng Skyflakes sa Philcoa, dumirecho na ko sa Bureau of Mines. Prenteng-prente pa ko at feel na feel ko pa ang maagang pagdating ko. Akala ko kasi maaga dumadating si Ma’am kung sa office siya papasok. E wala din palang pinagkaiba. Ang hinayupak, pinaghintay kami ng 3 oras. Eto ka, bawal matulog o humiga sa lobby. I know, i know. Bawal naman talaga gawin yun. Kaya lang ikaw ba naman maghintay sa lobby ng 3 straight hours, walang alisan. Ihi lang ang pahinga. So makalipas ang 3 oras, buti naman naaalala kami ni Ma’am na itext na ireresched na lang niya ang make-up class. May meeting daw pala sila sa Mapua kaya di siya nakapunta sa Bureau. Napaka-productive no?

January 8, 2009

konsensya de mumu

Filed under: Uncategorized — testes @ 10:16 am

Di pa nga ko nagreresign, eto’t biglang isa-isang nagsulputan ang mga taong gustong magresign. Di ko alam. Season ba ng pagreresign ngayon? hehe.

Hindi pa nga ako nakakapagpaalam sa EIC ko, heto’t nagtext sa ken na gusto daw akong makausap. Aba…Mukang natunugan niya ang plano ko a.

Ang balak ko kasi magpapaalam ako kapag may definite job na ako. So far, nagpromise ang PeopleSupport sa akin na tatawagan nila ako by February once nagopen yung account na inoffer nila sa akin. Then I will be having an interview tomorrow sa Burger King. Plus a series of walk-in application sa mga nagkalat na call centers sa tabi-tabi.

Isa sa mga nakaalam nito ay nakausap ko thru text.Wag na daw muna ako magresign. Natatawa ako sa mga sinabi niya sa akin at the same time nakonsensya din ako bigla.

“Basta wag ka muna resign ateh. Keri na yan. Gawing sideline ang tnb. Haha.”

“Hm. Kakarelate ako. Kaya nga ang mindset ko jan sideline ko cya e. Rumaraket kaya ako ng layout sa __________. Taray no balimbing! Haha. So aside from d fact na may opis at sweldo, keber muna ake sa loob. Ayaw muna paepek……..”

“Kaya kung ako xeo, kapet muna tayo. Kasi sobrang kawawa yung dyaryo wala na kcng staff. Ako gustuhin ko mang umalis pinakiusapan din ako ni _____ na nid niya tayo. Super naghihingalo kc ngayon ang builder. Kaya kapet muna ako. Fly na me pag jabongga na ulet!”

“Ay ako kuko na lang nakasabit. Haha. Kungdi lang din sa kawawang kalagayan ng tnb e baka wala na din talaga ako. Kasi sabi ko nga magwowork ako. E kinunsensya ako nung mumu.”

***As of this writing, 4 ang balak magresign including me. Excluding Allan. Haha. Yung mga gustong sumama sa bandwagon, come out come out, wherever you are! haha.

January 6, 2009

part-time job hunting

Filed under: Uncategorized — testes @ 8:55 am

Ayaw akong dalawin ng antok kaninang madaling-araw kaya ang ginawa ko ay naghanap ng mapapasukang trabaho. Yung part-time lang. Kahit pa mag-mop lang ng sahig. Basta may trabaho. Kahit maglinis lang ng pinagkainan ng mga taong makakalat Basta may trabaho.

Pagkatapos ng makailang-pagiisip, nagdecide na ako. Magreresign na ako dun sa last kong trabaho.

Kaninang alas tres ng madaling-araw, nagpasa ako ng resume sa kung kanikaninong mga kompanyang nangangailangan ng mga taong nangangailangan ng trabaho. Alas kuwatro, borlogs na ako.

9am. Bangon na ako. Naligo. Naghihintay ng tawag o text sa mga kompanyang pinagkainteresan kong pasahan ng resume. 1.30pm nasa Mapua na ako. Nagpapanhik-panaog sa kung saan-saan. 3pm, wala na ko sa school.

7pm, nagring ang phone ko. Walang pangalan. Sinagot ko. Inglisera yung nag-hello. Tama ang kutob ko, taga-call center ang tumawag. May scheduled interview ako bukas ng 4pm sa Makati. Hehe. One down.

9.30 pm. Nasa biyahe na ko pauwi sa bahay. May nagtext. Fast food resto naman. Ayos. May interview naman ng 10am. Wow!

Ayun. Ano’ng susunod? Bahala na si Batman bukas!

January 5, 2009

dear EIC:

Filed under: Uncategorized — testes @ 11:38 am

Working in The New Builder since August 2007 certainly contributed in developing my writing and communication skills. I served TNB with my best performance and it has been a complete  fulfillment and achievement for me. I came to realize my strengths and the areas to practice continuous improvement.

Working in this organization provided me an opportunity to see the beauty and appreciate the line of work, the camaraderie, and the complexity of every situation, which made it more exciting. But, there comes a point when you are not happy anymore, even the sense of fulfillment have been reached and no matter how you motivate yourself, you still find yourself in the midst of uncertainty. Not because you are lacking determination, dedication and perseverance but you know for a fact that there will be a lot more in store for you and I have to focus more on my long-term goals.

And at this point, it’s time for me to spread my range and seek equal or better opportunities that can provide growth, develop my other competencies and give additional learning experience.

With all this, and with deepest regret, I would want to tender my resignation effective March 1, 2009.

I wish the organization continued success.  It’s been a pleasure allowing me to be a part of your team and for providing me with all the support.

Marie Thess D. Quilalang

Staff Writer

July 28, 2008

obra

Filed under: Uncategorized — testes @ 8:55 pm

nagluto ako ng binagoongan

ampanget ng kinalabasan…

**i ended up eating it. haha.

July 15, 2008

tutang kalye

Filed under: Uncategorized — testes @ 1:02 pm

Pasado alas tres na ng madaling araw, heto’t dilat pa rin ako. Hindi pa naman hell week pero madami ng ginagawa. Kakatapos ko lang isummarize yung irereport ko para sa Historical Geology class ko. Kakatapos ko rin lang itranscribe yung interview na ginawa ko kay Sir Jun Marforio ng Cummins Technical Training Center. Kung ano yun, abangan niyo na lang sa coming issue ng The New Builder. Para sa mga di Mapuan, message niyo ko. Yun e kung interesado kayo, haha! Eniweis, gusto ko lang iclear na di ako nagrereklamo dahil sa napupuyat ako sa tambak ng trabaho. Actually, natutuwa pa nga ako (o di ba parang luka luka lang), siguro namiss ko lang yung nagtatrabaho ng ganitong ‘wee hours’ ng umaga (hello, call center is that you?). Yun nga lang, di na ko sumusuweldo ng limpak limpak na salapi (OA, haha). Pero ewan ko ba, trip ko talaga ang nagpupuyat. Hindi ko alam kung bakit. Ikaw ba trip mo rin magpuyat?

*************************************************************************

Pagkatapos, manganak ni chuchu ng anim na tuta, isa ang nadedo, apat ang naipamigay, at isang cute na cute ang naiwan sa poder namin. Ang usapan ipapamigay ang lahat ng mga anak e ang kaso di ko maiwasang maantig sa hitsura ng tuta. Ang cutie cute kasi. Parang siyang tedi ber na tigbebente pesos na mabibili sa bangketa ng divisoria. kahit di nagmana sa ermats niyang maputi e ok lang. Pasok siya sa aking banga!  Kaya lang wala pa kong maisip na magandang name para sa kanya. may suggest ka? Heto ang ilan sa mga kodak moments niya. Pasensya at mahiyain ayaw humarap sa camera e. Hehe.

(sa tonong patwDsc01629eetums) Awwww…isn’t she cute? Dsc01534

                                                 

Next Page »

WPMU Theme pack by WPMU-DEV.